Monday, November 21, 2011

Sharon Cuneta Leaves ABS-CBN for a P1B Contract with TV5

Kumpirmado na ngang lilisanin na ni Sharon Cuneta ang bakuran ng ABS-CBN. Ayon sa sources ng PhilStar's Funfare, selyado na ang P1B contract ng singer/actress/host na mismong ang Viva's big boss na si Vic del Rosario (also Sharon's manager) ang nakipag-negotiate. Epektibo umano ang pagiging Kapatid ng megastar by early 2012.

image

Hindi idinetalye ng sources ang kontrata ni Sharon ngunit ito umano ang pinakamalaking kontrata sa kasalukuyan para sa isang local artist. Kasama sa kontratang ito ang pagho-host ng megastar ng isang talk show para sa TV5.

Higit pang kinumpirma ang paglipat ni Sharon sa hindi nito pagkakasali sa 2011 Christmas ID ng Kapamilya network. Hindi na rin natin maaasahan ang pagkakabilang ng megastar sa nalalapit na pagpapalabas ng Pinoy version ng The X Factor Philippines.

Sinasabing si Piolo Pascual din daw ay nag-ask ng P1B price nang subukan s'yang kunin ng TV5. Malamang ay hindi ito kinagat ng Kapatid network dahil hanggang sa ngayon ay nasa ABS-CBN pa rin si Papa P.

Pero if you were to choose between Sharon and Piolo, sino ang mas pipiliin n'yong bigyan ng P1B contract?

Follow nyorts on Facebook and Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...