Thursday, December 1, 2011

Maricar Reyes, 3rd Party sa Hiwalayang Piolo-KC?

Parang wala sa anumang lumitaw ang pangalan ni Maricar Reyes sa isyung hiwalayan nina Piolo Pascual at KC Concepcion.

Totoo ba ito? O sadyang magaling lamang mag-damage control ang kampo ni Papa P?

Sa interview ni KC na ipinalabas sa The Buzz noong Lingo, ang mga kontrobersyal na sagot ng megadaughter sa mga katanungang ibinato ni Boy Abunda ay muling nagpalutang sa gender issue about Piolo.

(RELATED ARTICLE)

Buti na lang at may ginagawang bagong teleserye si Piolo, ang Padre de Pamilya, kung saan kasama niya si Maricar Reyes. Si Maricar na naging usap-usapan sa Hayden Kho Sex Scandal at nauna nang itinurong third party sa paghihiwalay ni Luis Manzano at Angel Locsin. Luis denied it, pero nabahiran na ang pangalan ni Maricar.

Ngayo'y siya ang itinuturong third party sa paghihiwalay nina Piolo at KC.

Pero parang hindi naman tugma sa third party ang mga naging sagot ni KC.

Some of KC's statements taken from her interview with Boy Abunda:

"may mga bagay na parang hindi ko na kayang lunukin, hindi ko na kaya 'yon tanggapin..."

"Hindi ko masabi kasi, e. Hindi ko talaga Tito Boy masabi sa kahit na sinong tao kung ano'ng nangyari. Hindi ko talaga pwedeng sabihin." (bakit hindi pwedeng sabihin sa kahit na sino kung third party man ang reason?)

"Masakit man sabihin, hindi ako 'yong, siguro nag-fail din ako dahil hindi ako 'yong kaylangan n'ya sa buhay n'ya, or hindi ako 'yong hinahanap n'ya sa buhay n'ya, and hindi ko mabigay sa kanya 'yong kaylangan n'ya."

Follow nyorts on Facebook and Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...